Kaakibat na ng salitang OFW ang "balikbayan box". Balikbayan box ang tawag sa makapal na karton o kahon na naglalaman ng mga personal na regalo o pasalubong na galing sa mga OFWs na nakikipagsapalaran sa ibat-ibang panig ng mundo.
Bukod sa perang pinapadala ng mga OFWs ay pinagsisikapan din ng bawat manggagawang Pilipino sa ibang bansa na makapuno ng isang balikbayan box at maipadala ito sa mga kamag-anak nila sa Pilipinas, kahit minsan lamang sa loob ng isang taon.
Noong June 2016 naisabatas ng Kongreso ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at December 2016 nailabas ang guidelines tungkol sa balikbayan boxes. Dahil na rin sa pakiusap ng mga deconsolidators ay natagalan ang implementasyon nito bagkus ay maraming beses ito na-extend. Noong August 2017 ay nagsimula ang implementasyon ng Balikbayan Box Tax Exemption program.
Ito ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng pribilehiyo sa mga OFWs na magpadala ng balikbayan box ng walang binabayarang buwis. Ngunit para maavail ito may mga guidelines na dapat sundin. Ang programang ito ay hindi mandatory ayon sa BOC.
Para gabayan kayo sa pagpapadala ng balikbayan box ng hindi nagbabayad ng buwis. Narito ang mga ilang Frequently Asked Questions(FAQs) ukol sa balikbayan box.
Sinu-sino ang puwedeng mag-avail ng Balikbayan box tax exemption? Ang mga QFWA o ang mga Qualified Filipinos While Abroad ang maaaring magpadala ng balikbayan box. Ito ay kinabibilangan ng mga OFWs, Resident and non-resident Filipinos sa abroad. Kabilang po sa mga QFWA ay holders ng student visa, tourist visa, at permanent residents pero nanatiling Filipino citizens.
Ilang beses puwedeng magpadala ng balikbayan box sa loob ng isang taon? Maaari lamang magpadala ng balikbayan box tatlong beses sa loob ng isang taon ng walang binabayarang buwis.
Magkano ang dapat na halaga ng laman ng balikbayan box na hindi kailangan magbayad ng buwis? Ang isang OFW ay may pribilehiyong magpadala ng P150,000 tax free worth of household and personal effects sa kanilang pamilya.
Kailangan ba mag-submit ng resibo o invoice ng mga items na nasa loob ng balikbayan box? Ang mga resibo ay kailangan lamang sa mga high valued items na higit P10,000 ang halaga.
Kailangan ba ng resibo sa mga second hand o used items na laman ng balikbayan box? Hindi kailangan ang resibo para sa mga items na nabibili lang sa garage o second hand items. Ang kailangan lang ay isulat pa din sa information sheet kung magkano ang kabuuang halaga ng balikbayan box.
Kailangan ba mag-submit ng kopya ng passport tuwing magpapadala ng balikbayan box? Kailangan ang photocopy ng passport kung gusto mong mag-avail ng duty and tax exemption priviledge. Ito ay magsisilbing proof of citizenship kung ikaw ay talagang pilipino.
Ilang kopya ng information sheet ang kailangan ko per box? Ang kailangan mong information sheet ay 3 kopya per box. Isa para idikit sa balikbayan box, isa para sa consolidator at isa para sayo.
Para sa gusto mag download ng information sheet ito po ang short link https://customs.gov.ph/ Balikbayan-Information-Shee t.pdf
Sino ang maaaring tumanggap ng aking balikbayan box sa Pilipinas? Ang maaaring tumanggap ng iyong balikbayan box ay ang iyong kamag-anak up to 4th degree.Ito ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng pribilehiyo sa mga OFWs na magpadala ng balikbayan box ng walang binabayarang buwis. Ngunit para maavail ito may mga guidelines na dapat sundin. Ang programang ito ay hindi mandatory ayon sa BOC.
Para gabayan kayo sa pagpapadala ng balikbayan box ng hindi nagbabayad ng buwis. Narito ang mga ilang Frequently Asked Questions(FAQs) ukol sa balikbayan box.
Sinu-sino ang puwedeng mag-avail ng Balikbayan box tax exemption? Ang mga QFWA o ang mga Qualified Filipinos While Abroad ang maaaring magpadala ng balikbayan box. Ito ay kinabibilangan ng mga OFWs, Resident and non-resident Filipinos sa abroad. Kabilang po sa mga QFWA ay holders ng student visa, tourist visa, at permanent residents pero nanatiling Filipino citizens.
Ilang beses puwedeng magpadala ng balikbayan box sa loob ng isang taon? Maaari lamang magpadala ng balikbayan box tatlong beses sa loob ng isang taon ng walang binabayarang buwis.
Magkano ang dapat na halaga ng laman ng balikbayan box na hindi kailangan magbayad ng buwis? Ang isang OFW ay may pribilehiyong magpadala ng P150,000 tax free worth of household and personal effects sa kanilang pamilya.
Kailangan ba mag-submit ng resibo o invoice ng mga items na nasa loob ng balikbayan box? Ang mga resibo ay kailangan lamang sa mga high valued items na higit P10,000 ang halaga.
PHOTO FROM BOC TWITTER ACCOUNT |
Kailangan ba mag-submit ng kopya ng passport tuwing magpapadala ng balikbayan box? Kailangan ang photocopy ng passport kung gusto mong mag-avail ng duty and tax exemption priviledge. Ito ay magsisilbing proof of citizenship kung ikaw ay talagang pilipino.
Ilang kopya ng information sheet ang kailangan ko per box? Ang kailangan mong information sheet ay 3 kopya per box. Isa para idikit sa balikbayan box, isa para sa consolidator at isa para sayo.
Para sa gusto mag download ng information sheet ito po ang short link https://customs.gov.ph/
Ilang balikbayan boxes ang maaari kong ipadala per shipment? Maaari ka magpadala ng kahit ilang balikbayan boxes per shipment as long as ang isang box ay hindi hihigit sa P150,000 per box at may sukat na 0.20cbm o katumbas ng isang XL box.
Anu-ano ang mga puwede kong ilagay sa loob ng balikbayan box kung gusto ko mag-avail ng balikbayan box priviledge? Ang laman ng balikbayan box ay dapat consumable or non consumable goods as long as hindi siya prohibited or restricted items.
PHOTO FROM LBC FB PAGE |
PHOTO FROM BOC FB PAGE |
Balikbayan box standard sizes
- Medium: 18 x 16 x 18 inches
- Large: 18 x 18 x 24 inches
- Extra large: 24 x 18 x 24 inches
Mas maigi pa rin na bisitahin ang official website ng Bureau of Customs (www.customs.gov.ph) para sa mas detalyadong impormasyon.
NICE INFO.
ReplyDelete