SSS member ka na ba? Regular ka bang naghuhulog ng SSS contribution mo? Kung oo ang sagot mo, marahil alam mo na ang mga benepisyong pwede mong matanggap mula sa SSS. At kung hindi naman gagabayan kita sa iyong pagpaparehistro.
Kung ikaw ay Overseas Filipinos alinman sa sumusunod,
- Na recruit sa Pilipinas ng foreign based employer para doon magtrabaho
- May permanenteng trabaho sa ibang bansa
- Permanenteng naninirahan sa ibang bansa
Ikaw ay maaaring maging miyembro ng SSS at kinalaunan ay mapapakinabangan mo ang mga benepisyong kaloob ng SSS. Kung ikaw ay wala pang SSS number kailangan mong magparehistro gamit ang iyong personal record (SS Form E-1 ). Kung ikaw naman ay dati ng miyembro ng SSS hindi mo na kailangang magparehistro ulit, ang kailangan mong gawin ay ituloy ang paghuhulog ng iyong kontribusyon sa alinmang SSS branch malapit sa iyong lugar (SSS accredited collection partners local or abroad). Dalhin mo lamang at ipakita ang iyong Payment Reference Number (PRN) o Statement of Account (SOA) na makukuha sa sariling account sa My.SSS o E-center ng SSS branch o
accredited collection partners.
Samantalang ang OFW na magpaparehistro sa unang pagkakataon ay kailangang i fill up ang SS Form E-1. Huwag mong kalimutang magdala ng mga pangunahing dokumento na kinakailangan sa pagpaparehistro (certified true copy) sa pagiging SSS member. Ito ay ang mga sumusunod;
- Birth Certificate na mula sa Local Civil Registrar o mula sa Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office)
- Kung walang Birth certificate maaari din namang Baptismal Certificate o ang katumbas nito, Driver’s License, Passport, Professional Regulation Commission (PRC) card
Maaari ring mag-apply ng SS Number online sa pamamagitan ng pag-click
sa “No SS Number Yet? Apply Online” na makikita sa homepage ng SSS
website (www.sss.gov.ph). Sundin ang mga sumusunod na proseso:
1. Punuan ng mga tamang detalye ang online form.
2. Isang link ang ipapadala sa e-mail ng aplikante upang
mapagpatuloy ang proseso ng pagkuha ng SS Number.
Note: Ang link ay mawawalan ng bisa sa loob ng limang (5)
araw at kapag ito ay nawalan ng bisa, kinakailangang ulitin
muli ang proseso ng pagrerehistro.
3. Kapag nabuksan na ang link, punuan ang mga
kinakailangang impormasyon mula sa “Basic Information”
hanggang sa “Beneficiaries Information”.
4. Suriing mabuti ang mga impormasyong inilagay sa
registration form bago mag-generate ng SS Number. Kapag
nakapag-generate na ng SS Number, anumang maling
impormasyon na nailagay ng aplikante sa kanyang
registration form ay maitatama lamang sa pamamagitan ng
pagpunta sa pinakamalapit na SSS branch.
5. Pagkatapos i-click ang “Generate SSS Number” button,
ipapakita ng SSS Number Issuance System ang SS Number
ng aplikante at ang option na iprint ang kanyang Personal
Record, SS Number slip at SSS Number Application
Confirmation. Makatatanggap din ang aplikante ng
kompirmasyon sa e-mail na nagtataglay ng kanyang SS
Number at mga sumusuportang dokumentong kailangang
isumite sa pinakamalapit na SSS branch.
6. Pumunta sa pinakamalapit na SSS Branch at isumite ang
mga kinakailangang dokumento. Kung may asawa,
kailangang magdala ng kopya ng Marriage Contract. Kung
may anak/mga anak, kailangang magdala ng kopya ng Birth
Certificate ng mga ito.
Kung hindi maisusumite agad ang mga dokumento sa pinakamalapit na SSS Branch magiging " Temporary" ang membership status. Para maging "Permanent" ang memebership status dapat na isumite agad ang mga kailangang dokumento.
Sa sandaling permanente na ang membership status mo, maaari ka ng mag-apply sa mga benepisyo at loan kung ikaw ay may sapat ng bilang ng buwang kontribusyon.
Photo taken from SSS Fb Page
Ang halaga ng buwanang kontribusyon na babayaran ng miyembro ay
nakabase sa pinakahuling Schedule of Contributions.
Maaaring magbayad ng kontribusyon at bayad sa utang over-the-counter
(OTC) o mapa online man sa mga sumusunod na payment channels:
Ang mga collection partners na ito ay tumatanggap ng bayad sa
kontribusyon gamit ang Payment Reference Number (PRN).
1. SSS Branches na may tellering facilities
2. Bank Partners
3. Non-Bank Partners
• Asia United Bank (OTC)
• Bank of Commerce (OTC)
• Security Bank (online)
• Union Bank of the Philippines (OTC, online)
• Metrobank – for those paying with Special Bank Receipts
• Bayad Center (OTC)
• iRemit Inc. (OTC)
• SkyFreight (OTC, online)
• Ventaja (OTC)
Bilang OFW alamin po natin ang ating resposibilidad bilang miyembro ng SSS. At balang araw mapapakinabangan din natin ang ating mga hinulog sa SSS.
Para sa mas detalyadong impormasyon maaari niyong i download and brochure na ito na galing sa SSS na siya din pinagkuhanan ko ng impormasyon
Video from SSS You tube channel
No comments: