FOR NEW UPDATES, SUBSCRIBE TO US VIA EMAIL

Enter your email address:


Ano ang mga dapat tandaan kung gusto mong mag-abroad?



Mahirap itanggi ang katotohanang parami ng parami ang bilang ng mga pilipinong umaalis ng bansa upang makipagsapalaran sa ibang panig ng daigdig. Kahirapan ang isa sa pangunahing dahilan na nagtutulak sa mga Pilipinong magbakasali sa abroad. Baon ng bawat OFW sa kanilang pag-alis ng bansa ay ang pag-asang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga mahal sa buhay.



Male-holding-luggage


Ngunit batid din natin ang katotohanang hindi lahat ng nag-aabroad ay umuuwi ng bansa na matagumpay. Masakit ang katotohanang marami sa ating kababayan ang hindi pinapalad, yaong iba ay hindi pinapasahod, minamaltrato o pinagmamalupitan pa at ang nakakalungkot pa nga, yaong iba ay bangkay ng sinasalubong ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Hindi ito kaila sa lahat sapagkat  sa kahit anong balita sa TV man o radyo at maging sa social media, madalas hindi nawawala ang mga balita ukol sa  nakakapanlumong sitwasyon ng iba nating kababayan sa ibang bansa.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nag-aaply ng trabaho abroad, hindi alintana ang panganib na nakaamba sa kanilang buhay pagdating sa ibang bansa. Kaya para gabayan ka sa plano mong mag-abroad, gumawa ako ng listahan ng mga dapat isaalang-alang kung gusto mo mag-abroad.

  • Alamin mo muna sa iyong sarili kung sigurado ka na sa iyong desisyon. Bigyan mo ang iyong sarili ng oras para mag-isip. Hanggat maaari, isipin mo na ang ilang daang beses dahil mahirap naman umatras kung kailan ayos na lahat ng travelling papers mo at nakagastos ka na.

  • Mag-apply sa agency na rehistrado at accredited  ng Philippine Overseas Employment Administration o  POEA. Ang pinakamabuti ay alamin mo sa POEA ang mga job openings sa ibang bansa sa kanilang website www.poea.gov.ph/ at doon ka mamili ng aaplayan mo. Wag magpaloko sa mga pekeng recruiter o agency.

 POEA - Philippine Overseas Employment Administration

POEA, ofw, Philippines, DOLE, Filipino, pinoy workers, overseas, labor, owwa, department of labor, work abroad, job vacancies, OFWs, Filipino workers, overseas jobs, illegal recruiters, placement agencies, seafarers, overseas Filipino workers,immigration, au pair, Canada, USA, Europe, Middle East, passport, work abroad, migration, migrate, visa, recruitment, employers,manning agencies, Overseas jobs. Licensed agencies.
  • Ihanda ang mga papeles na kakailanganin habang maaga. Kung desidido ka na talaga mangibang bansa nararapat lamang na ayusin mo muna ang mga pangunahing dokumentong kakailanganin mo katulad ng passport, NBI/Police/Barangay clearance at Birth Certificate upang sa ganun mapabilis ang proseso ng iyong pag-alis.


  • Paghandaan at pag-aralan ang perang ipambabayad bilang placement fee. Mahalagang pag-ipunan ang placement fee na ipambabayad s agency upang hindi magkandautang-utang bago dumating ang araw ng pag-alis. At mahalaga din na alamin mo kung tama ba ang placement fee na hinihingi ng agency.




PAALALA- Ang mga Recruitment agency sa Pilipinas ay pinapayagang komolekta ng placement fee sa mga papaalis na OFW na katumbas ng kanyang isang buwang sweldo at hindi maaaring humigit pa. Ang placement fee ay hinihingi kapag handa na ang visa at kontrata na pipirmahan ng papaalis na OFW. 

May mga ibang bansa din naman ang hindi nangangailangan ng placement fee katulad ng nabanggit sa POEA FB page.

poea-no-placement-fee
PHOTO FROM POEA FACEBOOK PAGE


  • Magresearch tungkol sa bansang pupuntahan. Maglaan ng oras para magsaliksik tungkol sa bansang napiling puntahan. Dahil sa internet, maaari mo i-research ang mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa bansang yun.  Mahalagang alamin mo ang kanilang kultura, relihiyon, batas at pati na klima at ng iyong magkaroon ng ideya sa iyong pupuntahan..
  • Maglaan ng oras sa iyong pamilya. Habang naghihintay ng araw ng iyong pag-alis, isa sa mahalagang bagay na dapat mong gawin ay magbigay ng mas mahabang oras sa iyong pamilya sapagkat matagal mo din silang hindi makakasama. Karaniwang umaabot ng 3 taon ang kontrata sa ibang bansa kaya sulitin mo ang panahong ikaw ay hindi pa umaalis.
  • Magkaroon ng plano ng perang kikitain sa abroad. Karamihan sa mga OFW umaabot ng mahabang panahon sa ibang bansa dahil hindi nakakaipon.  Ang iba kasi kapag nasa abroad na, tuwing sahod ay mas inuuna ang mga bagong gadget, branded na damit o sapatos o di naman kaya ay gala dito gala doon kaya yung 3 taong kontrata umaabot ng 5 taon o di kaya ay umaabot pa ng dekada. Kaya habang nasa Pilipinas ka pa lang pagplanuhan mo ng maigi ang paggagamitan mo ng suweldo mo.
Mag-ingat ka sa mga huwad na recruitement agency na nangangako ng hindi naman makatotohanang sahod at benepisyo na maaaring tanggapin sa ibang bansa. Sana nakatulong ang post ko na ito kahit papaano.


Paano makontak ang POEA?


POEA Hotlines: 722-11-44 / 722-11-55

Official Website: www.poea.gov.ph

E-mail: info@poea.gov.ph










No comments:

Back to Top