FOR NEW UPDATES, SUBSCRIBE TO US VIA EMAIL

Enter your email address:


5 PROBLEMANG KAKAHARAPIN NG MGA OFW PAGDATING SA IBANG BANSA!


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga problemang maaaring bumulaga sa mga bagong OFW pagdating sa kani-kanilang bansang pupuntahan.

BAGO KA MAG-ABROAD, ISIP ISIP MUNA!




Ang bawat OFW ay may kanya-kanyang dahilan ng pangingibang bansa . Kagaya ng mga dahilang nabanggit ko na sa aking nakaraang blog post. Bawat araw may mga pilipinong umaalis upang makipagsapalaran sa ibang bansa.

Kabayan bakit ka nag-abroad? Bakit pinili mong lumayo sa iyong pamilya?

Sa dumaraming bilang ng mga nag-aabroad, hindi ka ba nagtataka kung bakit? Bakit pinipili nilang maghanap ng trabaho sa ibang bansa sa halip na manatili na lang sa Pilipinas kasama ang kanilang mga pamilya?

Adult-leaving-the-Philippines


Ang mga OFW o ang Overseas Filipino Worker ay mga pilipinong nangingibang bansa upang doon magtrabaho. Ayon sa Philippine Statistic Authority, tinatayang may 2.2 milyong pilipino ang nagtratrabaho sa ibang bansa.

Ito ay batay sa bilang ng mga nagtrabaho sa ibang bansa mula buwan ng Abril hanggang Setyembre 2016. At sa tinatayang 2.2 milyon na OFW sa buong mundo, mas marami ang bilang ng mga babae.

Bakit nangingibang-bansa ang mga pilipino? Anu-ano ang karaniwang mga dahilan?


"Ang buhay OFW ay sadyang mahirap, homesick ang kalaban, luha ang karamay ngunit nakahandang tiisin ng sa gayon ang magandang buhay para sa pamilya ay makamtan". 

Squatters-area-Philippines


Narito ang ilang dahilan kung bakit nga ba nag-aabroad :
  • KAHIRAPAN Isa ito sa pangunahing dahilan ng mga pilipino kaya sila napipilitang mag-abroad. Ayon sa Social Weather Stations (SWS) 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang pilipino na naghihirap batay sa 2nd quarter survey ngayong 2018. 

  • KAWALAN NG TRABAHO Marami ang walang permanenteng trabaho na mga pilipino dahil na rin sa contractualization, age limit, hindi nakapagkolehiyo, at dahil na din sa kakulangan ng trabahong mahahanap sa Pilipinas. Ayon pa rin sa SWS tumaas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho sa unang tatlong buwan ng quarter ng 2018. Mahigit kumulang 10.9 na pilipino ang walang trabaho sa kasalukuyan.

  • MABABANG SWELDO - Marami ang proffessionals sa pilipinas o yung mga degree holder katulad ng nurse, guro, doktor, pulis at iba pa ang hindi nakakatanggap ng sahod na nararapat para sa kanila kaya napipilitan silang pumunta sa ibang bansa.  

  • MAGANDANG OPORTUNIDAD - Marami ang nangingibang bansa dahil sa mas magagandang oportunidad na inooffer nila. Sa ibang bansa mas marami ang pwedeng mahanap na trabaho para sa katulad namin na hindi naman nakatapos ng kolehiyo, sa ibang bansa nabibigyan ng pansin ang aming mga kakayahan sa kabila ng edad, edukasyon at pisikal na kaanyuhan.

  • MAS GUSTONG SA IBANG BANSA MANIRAHAN - Hindi lahat ng OFW ay nangingibang bansa dahil sa mga nauna ko ng nabanggit. Yung mangilan-ngilan ay dahil gusto nilang doon na  manirahan dahil  mas gusto nila ang kultura, lugar at klima.      

Anu pa man ang dahilan natin bakit mas pinili nating umalis ng bansa . Isa lang ang natitiyak ko, kung may sapat lang sanang trabaho sa Pilipinas na makapagbibigay ng sapat na sahod marahil hindi na natin kailangang mangibang bansa. Naniniwala ako na hindi lang katamaran ang dahilan bakit hindi umaasenso ang ibang pilipino. Minsan kasi ipinagkakaitan lang ng oportunidad, ang iba nga ubod ng sipag, pero limitado yung opportunity na puwede sa kanila dahil hindi sila nakatapos, o kaya naman sa edad o sa itsura. Makakuha ka man ng trabaho, mababa na nga ang sahod, contractual pa.

Kailangan naming mabuhay. At higit sa mga sarili namin, mas kailangan namin buhayin ang mga pamilyang iniwan namin sa Pilipinas. Kailangan namin magsakripisyo para lang makakain at makapag-aral ang mga anak namin. Sadyang yung oportunidad na pinagkait sa amin sa bansang sinilangan ay sa ibang bansa namin natagpuan. Yun ang masaklap na katotohanan ng pagiging OFW namin.


Kabayan homesick ka na ba? Paano ito malalagpasan?

Kaming mga Overseas Filipino Worker o mas kilala sa tawag na OFW ay umalis ng bansa sa paghahangad na mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga pamilyang naiwan namin sa Pilipinas. Likas na sa amin ang maging matapang at matiisin lalo at mga sarili lang namin ang maaasahan namin dito sa ibang bansa.

Back to Top