Kaming mga Overseas Filipino Worker o mas kilala sa tawag na OFW ay umalis ng bansa sa paghahangad na mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga pamilyang naiwan namin sa Pilipinas. Likas na sa amin ang maging matapang at matiisin lalo at mga sarili lang namin ang maaasahan namin dito sa ibang bansa.
Homesickness
-ito ay ang damdamin ng pangungulila sa iyong sariling bayan, pamilya o mga kaibigan
Babala: Ang homesick ay nakakamatay!
Ayon kay Bienvenido Santos, pilipino lang ang namamatay dahil sa homesick. Hindi naman nakakapagtaka na may mga pilipinong namamatay dahil sa homesick dahil tayo ay galing sa bansang kilala sa family values at strong family bond relationship.
Ayon din sa mga eksperto, ang homesick ay nakakasira ng kalusugan at nakakaapekto sa pag-iisip at mental focus ng tao.
Hindi ganun kadaling labanan ang homesick. At sa buong journey mo as an OFW ,yan yung 'constant feeling' na hindi mo maiiwasan. Walang OFW ang hindi nakakaranas ng pagka homesick, mapalalaki man yan o babae. Minsan nga masaya ka ngayon tapos all of a sudden bigla ka na lang malulungkot kasi napag-usapan ang pamilya. Bigla na lang umaatake ito pero pinakamadalas kapag nag-iisa ka lang o di kaya bago ka matulog.
Dahil madalas nangyayari sa akin yan, (actually palagi nga e) naisip ko magbigay ng tips or some techniques para kung sakali ay nakakaramdam ka ng homesick sa mga oras na ito, basahin mo to baka sakaling makatulong sa iyo kabayan:
➤Kung ikaw ay naho-homesick sa mga oras na ito, iwasan mo munang tignan ang larawan o kahit anong mag-papaalala sa inyo sa pamilya mo lalo sa mga anak mo, kasi ang tendency lalo kang malulungkot. The more na nakatingin ka sa mga larawan nila the more na mas naalalala mo sila, the more na hahagulhol ka ng iyak.
➤Manuod ka ng mga palabas na masaya at nakakatawa, may internet naman puwede kang mag search sa you tube or kahit sa FB . Ako personally, pag nalulungkot ako mga videos ni Vice Ganda pinapanuod ko kasi kahit na umiiyak ako pag napapanuod ko siya hindi ko mapigilang hindi tumawa.
➤Mag video-oke ka kahit mag-isa. Kahit na hindi maganda boses, carry lang. Kahit papaano kasi sa pamamagitan ng pagkanta marerelease yung sadness na nafefeel mo at eventually maienjoy mo ng kumanta at mababawasan ang homesick na nararamdaman mo. May mga mobile singing application para sa mga mahilig kumanta katulad ng Smule. Tiyak na maeenjoy mo ang pagkanta.
➤Mag video-oke ka kahit mag-isa. Kahit na hindi maganda boses, carry lang. Kahit papaano kasi sa pamamagitan ng pagkanta marerelease yung sadness na nafefeel mo at eventually maienjoy mo ng kumanta at mababawasan ang homesick na nararamdaman mo. May mga mobile singing application para sa mga mahilig kumanta katulad ng Smule. Tiyak na maeenjoy mo ang pagkanta.
➤Magpatugtog ka ng mga masasayang kanta at sabayan mo ng sayaw, isayaw mo ang homesick na nararamdaman mo. Kahit parehong kaliwa ang paa sige lang, ang mahalaga maibsan ang homesick na nararamdaman mo.
➤Magluto ka ng masarap na pagkain o di kaya ay umorder ka ng paborito mong pagkain, samahan mo din ng dessert. Idaan mo na lang sa pagkain ang nararamdaman mo. Pero hinay hinay lang ha.
➤Maghahanap ng makakausap, tawagan ang mga dating kaibigan, makipagkwentuhan . At least may mapagsasabihan ka ng nararamdaman mo, may makikinig sayo.
➤Magluto ka ng masarap na pagkain o di kaya ay umorder ka ng paborito mong pagkain, samahan mo din ng dessert. Idaan mo na lang sa pagkain ang nararamdaman mo. Pero hinay hinay lang ha.
➤Ang huli at pinakamahalaga sa lahat, magdasal ka, kung ayaw mong gawin lahat ng mga nabanggit ko, magdasal ka na lang. Si Lord ang kausapin mo at humingi ka ng tulong upang malagpasan ang kalungkutan na nararamdaman mo.
Keysa magmukmok ka at mag-iiyak diyan, mabuti pang tumayo ka at gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Yung bagay na nag-eenjoy kang gawin kahit nag-iisa ka like writing or reading.
I am an example of it, I used to feel homesickness most of the time. I cried a lot and think too much. So I've come up with the idea of turning my sadness into a positive and productive idea. At ayun nga napunta ako sa pagsusulat. Writer naman ako, Frustrated nga lang. My writing isn't as good as I want it to be. But I enjoy myself writing, so I will surely keep on writing. So bear on me guys.
No comments: