Bilang ako ay isang OFW din, tatalakayin ko ang ilan sa mga problemang ito na malamang maeencounter ng mga bagong saltang OFW sa mga unang buwan nila sa kanilang bansang tutuluyan.
1.CULTURE SHOCK - Alam naman natin na iba-iba ang kultura ng bawat bansa. Ang karaniwang nakasanayan nating ginagawa sa pilipinas ay maaaring bawal gawin sa ibang bansa. Halimbawa na lang sa mga bansa sa Middle East na kilalang muslim country, marami ang mga ipinagbabawal na gawin at hindi mo dapat suwayin dahil maaari kang makulong. Ang maaari mong gawin ay magreasearch muna.
2. PAGKARAMDAM NG HOMESICK - Sa mga unang buwan niyo sa tinutuluyan niyong bansa natural lang na ma-homesick kayo. Naniniwala akong walang OFW ang hindi nakaranas o dumaranas ng homesickness. Sa paglipas ng mga buwan unti-unti makakahanap ka din ng mga pagkakaabalahan at mga kaibigan upang makatulong sayo para mabawasan ang homesickness mo.
3. BAGONG LENGGUWAHE - Ang bawat bansa ay may mga kanya-kanyang wika o lengguwahe. At dahil ikaw ay nakikittuloy lang, ikaw ang dapat mag-adjust, kailangan mong matutunan ang kanilang wika dahil hindi naman lahat ng tao ay may kakayahang magsalita ng wikang englis na universal language. Kung nasa Amerika ka, marahil ang kailangan mo na lang gawin ay pag-igihan ang pag-iintindi sa slang nilang pagsasalita.
4. BAGONG PAKIKISAMA - Likas naman sa ating mga pilipino ang palakaibigan, madali para sa atin ang makibagay. Ngunit pagdating natin sa bansang nais natin puntahan, bukod sa mga Local citizens ng bansang yun, ibat-ibang nationality din ang ating makakasalamuha o makakasama natin sa trabaho. Hindi magiging madali ang sila ay pakisamahan dahil sila ay may kanya-kanyang paniniwala at pag-uugali.
5. KLIMA - Bagong bansa, bagong kapaligiran at bagong pag-aadjust sa klima. Marahil mapunta ka sa bansa na nakakaranas ng snow o di kaya sa disyerto ka mapunta. Paniguradong maninibago ka. Maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan sa pagbabago ng klima sa bansang kinaroroonan mo. Ang maaari mong gawin ay magresearch at paghandaan ang pagbabago sa klima sa bansang nais mong puntahan.
Ang tanging maipapayo ko lang sa mga mangingibang-bansa, bago ang inyong paglipad, paghandaan mo ang mga problemang iyong maaaring harapin sa bansang nais mong puntahan. Ang pinaka mabisang solusyon ay magresearch, magtanung-tanong sa mga kakilalang OFW na nanggaling na sa bansang yun.
Ihanda mo ang iyong loob sa lahat ng puwedeng mangyari sa iyo sa sa ibang bansa. Mabuti na ang magsiguro ka. At higit sa lahat wag mong kalimutan magdasal. Salamat kabayan
Tama
ReplyDelete