FOR NEW UPDATES, SUBSCRIBE TO US VIA EMAIL

Enter your email address:


Mayaman ang OFW - Agree ba kayo?

Marahil kung ikaw ay isang OFW kagaya ko, ang isasagot niyo ay HINDI. Ngunit para sa mga hindi OFW, they have this notion or belief na kapag sinabing OFW ay mayaman, maraming pera o sosyal.



mga naipong resibo


Maging ako man noon ganyan din ang perception ko, naikwento ko na sa inyo sa nakaraang post ko na  na somehow nakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan o kamag-anak ko na nagtratrabaho sa ibang bansa. Hanggang sa ako na mismo nakaexperience kung paano maging isang OFW. 


For 5 years of being an OFW here in Kuwait i have come to the realization na oo tama nga sila, MAYAMAN ANG OFW. Kung sa literal na kahulugan ng salitang mayaman, tiyak marami ang hindi sasang-ayon. Ngunit bago ka pa magtaas ng kilay basahin mo muna ang nilalaman ng post ko. Ang ibig ko bang ipahiwatig sa inyo na ang OFW ay 'mayaman sa matalinghagang kahulugan ng salita'. 



Eto na nga yung mga dahilan kung bakit ko sinasabing mayaman ang OFW:

  • MAYAMAN ANG OFW SA RESIBO - Kaming mga OFW ay mayaman sa resibo, kung paramihan lang din naman ng resibo ang pag-uusapan, aba hindi ako magpapahuli diyan. Ang sahod na hindi naman kalakihan, isang buwan hinintay ngunit wala pang isang araw maglalaho na parang bula. At ang maiiwan ay isang kapirasong papel, katibayan na ang perang pinaghirapan ay nakarating na sa kanyang paroroonan.

  • MAYAMAN SA PANGUNGULILA - Gaano na ba katagal nung huli kang nakauwi sa Pilipinas ? Ilang araw, buwan at taon ng hindi mo nakakapiling ang iyong pamilya? Kagaya ko, limang taon ng di ako nakakauwi sa atin, limang taon ng hanggang video call ko nalang nakakausap ang aking pamilya, minsan nga madalang pa. At sa limang taon na walang uwian, naiisip niyo ba kung ilang baldeng luha na ang nailuha ko sa tuwing ako ay nangungulila sa pamilya ko.
  • MAYAMAN SA PAGTITIIS - Ang mga OFW ay likas na mapagtiis. Kahit na anong hirap o pagod sa trabaho, minsan pa nga ang iba ay nakakaranas ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo, ngunit pinipili nilang magtiis dahil iniisip nila ang kanilang mga pamilyang umaasa sa kanila. Kaya nilang tiisin ang masasakit na salita o kahit anung pagpapahirap ng mga amo nila makapagpadala lang ng pera buwan-buwan.
  •  MAYAMAN SA STRESS - Huwag sana ikasasama ng loob ng mga pamilya ng ibang mga OFW lalo na ang pamilya ko sa pilipinas ngunit isa sa malaking factor na nagtritrigger ng stress sa mga OFW ay dahil sa pagiging insinsitive ng ibang mga kamag-anak nating mga OFW. Hindi ko naman nilalahat pero ang iba sa pamilya natin na magmemessage lang o tatawag kung may problema. Madalas nakakaapekto yun sa ating mga OFW's, nagbibigay ng stress sa at na mas nakakadagdag pa sa dinadala ng mga OFW's bukod pa sa stress sa trabaho at mga kasama.
  •  MAYAMAN SA PAGTITIPID - Para makapagpadala ng malaki sa pamilya sa Pilipinas, tayong mga OFW's ay napipilitang magtipid. Madalas instant noodles o di kaya de latang pagkain ang kinakain namin. Hindi na baleng kami ay magutom, ang mahalaga ay makapagpadala lang kami ng malaking pera sa Pinas.
  • MAYAMAN SA PAGMAMAHAL - Isa sa pinakapangunahing dahilan kung bakit kami nag-abroad ay dahil sa sobrang pagmamahal namin sa mga pamilya namin. Dahil sa pagmamahal na yun nagsasakripisyo kami na malayo sa mga mahal namin sa buhay. Nakikipagsapalaran kami sa ibang bansa kapalit ng perang pinapadala namin buwan-buwan sa aming mga pamilya.
  • MAYAMAN SA  LIFE EXPERIENCES - Oo ang mga OFW's mayaman sa lahat ng klase ng experience. Bahala na kayo mag-isip kung anu-anu yun. Basta mayaman ang OFW sa mga karanasan sa buhay. Sa abroad mararananasan mo lahat ng hirap, saya, lungkot at pakikipaglaban sa buhay. Matutunan mo kung paano dalhin ang sarili mo sa kahit anong sitwasyon na ibigay sa inyo ng Panginoon. Marami kang matutunan at pagdadaanan habang ikaw ay isang OFW.
     Ngayon maniniwala na ba kayo na mayaman talaga ang mga OFW's? Mayaman kami-uutang ka?

 Hindi nga kami mayaman sa pinansiyal na aspeto, ngunit mayaman kami sa ibang bagay. Kaya ako ipinagmamalaki ko na OFW ako at  napakayaman ko. Agree?

Salamat po.




No comments:

Back to Top