Gaano ka na katagal nagpapabalik-balik sa abroad bilang OFW? Gusto mo na rin ba mag 'for good' sa Pilipinas katulad ko kaya lang wala pang sapat na ipon?
Para sa mga nakararaming OFW na hindi naman kalakihan ang sahod ay lubhang mahirap ang makapagtabi ng malaki para sa saving's. Madalas nga ang sahod na natatanggap buwan-buwan ay kinukulang pa sa padala pa lang sa pinas.
Kaya nga para lang kumita ng mas malaki, yung iba ay rumaraket pa pagkatapos ng trabaho. Ang hirap kaya nun, yung pagkatapos ng trabaho mo ay diretso ka naman sa isa mo pang trabaho. Gamit na gamit ang katawang lupa ika nga nila pag ganoon araw-araw ang routine mo. Tiyak na pagdating sa bahay bagsak ka kaagad.
Ngunit may ibang paraan naman para kumita na hindi mo kailangang magpakapagod ng sobra..basta may computer at internet ka, maaari ka ng mag-umpisang kumita.
Napakaraming paraan para kumita online na hindi mo kailangang magbenta ng kung anu-ano. Subalit hindi ito easy money katulad ng sinasabi ng iba o yung mga nababasa mo. Hindi mo dapat basta pinaniniwalaan ang 'easy money' scheme na madalas ginagamit pang engganyo ng mga scammers. Kung interesado ka talaga magkaroon ng stable online passive income,ang kailangan ay paglaanan mo ito ng atensyon at dedikasyon.
Lahat naman ng bagay na pinagsisikapang makamit ay nagbubunga ng maganda.
Lahat naman ng bagay na pinagsisikapang makamit ay nagbubunga ng maganda.
Kaya kung seryoso ka talagang kumita gamit ang internet at computer o kahit cellphone, narito ang ilang legit na paraan kung paano;
1. Blogging- Ito ay parang online diaries kung saan ibabahagi mo sa online readers ang iyong interes, hilig at kaalaman. Bakit hindi mo pakinabangan ang iyong talento at pagkakitaan. Puwede kang maging blogger, katulad ko. Marami ang libreng platform software o services kung saan puwede kang mag-umpisa sa pagba-blog katulad ng Wordpress, Blogger, Tumblr, Wix at marami pang iba. Kapag handa na ang iyong blog, i register mo ito sa Google Adsense para i-monetize at doon ka pa lang kikita.
2. Freelancing- Freelancer.com at Upwork ang ilan sa pinakakilalang website kung saan puwede ka mag bid ng mga proyekto bilang freelancer. Alamin mo kung saang aspeto ka magaling, maaaring magaling ka sa Web Designing, Copywriting, Programming o di kaya Data Entry o di naman kaya gusto mo maging Virtual Assistant. Huwag mong sayangin ang iyong talento, malay mo ay maging matagumpay ka bilang freelancer at balang araw ay ito na ang magiging source of income mo at puwede ka ng tumigil sa pag-aabroad.
3. Affiliate Marketing- Ito ay isang paraan kung saan kikita ka ng commission sa pamamagitan ng pag promote ng isang produkto ng isang website o negosyo. Para maging ganap na Affiliate Marketer, kailangan mong maging miyembro ng isang Affiliate Marketing Program or network katulad ng Amazon at Clickbank at kailangan mong i-promote ang kanilang produkto gamit ang social media o sarili mong blog.
4. Online Survey- Maaari kang kumita ng $50-$100 per month sa pag fill up lang ng surveys. Kung gusto mo ito subukan marami naman mga legit paid survey sites. Ang ilan sa mga ito ay Pinecone Research, PaidView Point, Opinion Outpost, Swagbucks, iPoll, Vivatic at marami pang iba.
5. YouTube Channel- Siguro naman ay alam na natin kung gaano ka in demand ang vlogging sa Pilipinas, napakarami ang kumikita ng malaki bilang you tuber. Kagaya sa blogging, kailangan mong i register ang iyong you tube channel sa Google Adsense para i-monetize ito.
6. Online Tutoring- Maraming website ang nag-ooffer ng online teaching jobs kagaya ng Tutor.com. May ibang website na nagrerequire ng degree at certificates ngunit may iba naman na hindi kailangan ang mga yun, ang mahalaga lang ay may sapat na kaalaman ka sa subject na iyong napiling ituro.
7. Investment/Trading- Kung sa tingin mo ay hindi ka nagtataglay ng technical skills o english skills na kinakailangan sa mga paraang nauna kong nabanggit, dito sa online trading hindi mo kailangan ng professional skills o mag design ng website. Ngunit kailangan mo siyempre ang masusing pagsasaliksik. Sa online trading puwede kang bumili at magbenta ng stocks or mutual funds para kumita ng pera.
Posible ba talagang magkapera gamit lamang ang internet at computer?
Ang sagot ay OO. Marahil marami ang magsasabi na scam ito o hindi posible. May basehan din naman para magdalawang isip ka kasi nga hindi lahat ng nakikita o nababasa mo sa internet ngayon ay totoo. Pero hindi ibig sabihin niyan ay wala ng natitirang legit o totoo. Mayroon pa din naman, marami ang magpapatunay, ang kailangan lang ay mas maging matalino ka at mapanuri bago ka maniwala o maglabas ng pera.
Tama na ang pag-iisip! Keysa mag-isip ka na hindi mo kaya, bakit di mo umpisahang gawin ito ngayon. Ang mahalaga lang ay wag ka agad susuko, at kapag sumuko ka agad, tiyak hindi mo makakamit ang tagumpay na inaasam mo.
Nice blog
ReplyDeleteThank you for stopping by. Thank you for appreciation.
ReplyDelete