FOR NEW UPDATES, SUBSCRIBE TO US VIA EMAIL

Enter your email address:


Ano ang tunay na kahulugan ng SAKRIPISYO?

Madalas natin marinig sa ibang tao sa paligid natin ang salitang sakripisyo. Ngunit ano ba ang tunay na kahulugan nito? Paano bang matatawag na isang sakripisyo ang isang gawain?



Handa ka ba magsakripisyo

Ano ba ang Sakripisyo?


Ang Sakripisyo ay orihinal na nagmula sa mga hayop na pinatay at inaalok sa isang altar sa mga Diyos bilang isang simbolo ng pasasalamat, tanda ng pagsisisi atbp. Ito ay isa sa mga paboritong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mas mataas na kapangyarihan sa sinaunang panahon. At hindi lamang nila pipiliin ang anumang hayop ... ito ay dapat pinakamahusay, pinakamainam bilang ito ang sisimbolo sa taong nagdala ng kanyang buong makakaya para sa Diyos.

Naniniwala ako na hindi mo kailangang pumatay ng hayop para lang sabihing handa kang magsakripisyo para sa Diyos. Hindi gugustuhin ng Panginoon na gutumin mo ang sarili mo hanggang mamatay ka para lang patunayan ang pananalig mo sa KANYA.

Hindi kailanman sinabi ng Diyos na dapat mong isakripisyo ang iyong pagtulog, pagkain, trabaho at ang gagawin mo lang ay lumuhod sa harap niya buong araw ng hindi gumagawa ng anumang gawain.


Ang lahat ng ginagawa natin katulad ng kung paano ka nagtagumpay sa karera bunga ng iyong pagsisikap, kung paano mo itrato at mahalin ang iyong magulang, kung gaano ka katapat sa iyong trabaho o kung paano mo pinagsisikapang makapagtapos ng pag-aaral ay nagpapatunay na ikaw ay sumasampalataya sa KANYA.

Read: Ang Sakripisyo ni Lolita na OFW


Nagkakaroon lang ng problema kapag tayo ay nagtatrabaho ng husto upang makamit ang isang bagay at isinasantabi natin ang Diyos habang ginagawa yon.

Balikan natin ang kahulugan ng Sakripisyo. Para sa akin ang Sakripisyo ay isang bagay na hindi lahat ng tao ay kayang gawin.

Ito ay isang katangian ng tao na gawin o magbigay ng kanyang sariling bagay kahit na siya ay nasa hindi magandang kondisyon o sitwasyon para lamang sa mas higit na nangangailangan.


UNFORTUNATE IN HANOI...  by Azli Jamil Photography
PHOTO TAKEN FROM  HARSH REALITY CAPTURED

Makikita sa larawan ang isang malaking halimbawa ng pagsasakripisyo...isang matandang may kapansanan na nakasakay sa wheelchair habang kalong ang kanyang anak na mahimbing na natutulog.  Sa kabila ng kanyang kapansanan, ay sinisikap niyang maging mabuting ama para sa kanyang anak

Anu-ano ang mga halimbawa ng Sakripisyo?       

                

Ang Sakripisyo ay madaling baybayin ngunit mahirap gawin..

Tanungin mo ang isang ina na nagpupuyat para lamang masiguro na ang kanyang anak ay natutulog ng komportable.

Tanungin mo ang isang amang nagpapalipas ng gutom para lamang maibili ng bagong sapatos o bag ang kanyang  anak.

Tanungin mo ang ang panganay sa magkakapatid na tumigil sa kanyang pag-aaral at nagtrabaho sa edad na 14 upang ang kanyang maliit na kapatid ay makapasok sa paaralan.

Tanungin mo ang isang dalaga na isinantabi ang kanyang buhay pag-ibig para lamang sundin ang kagustuhan ng pamilya.

Tanungin mo ang binatang nag-ipon ng mahabang panahon para sa kanyang pangarap na sasakyan pero mas piniling ilaan ito sa pagpapagamot sa amang may sakit.

Tanungin mo ang isang sundalo na naputulan ng binti habang nakikipaglaban para sa kanyang bansa.

Tanungin mo ang isang OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, na tinitiis ang hirap at pangungulila para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Maraming uri ng Sakripisyo sa buhay ng tao. Maaaring hindi mo namamalayan na ikaw pala ay nakagawa ng isang sakripisyo para sa iba. 



Oo, maliwanag na lahat tayo ay gumagawa ng desisyon araw-araw na hinihingi ng pagkakataon na tayo ay magsakripisyo.

Ganun pa man naniniwala ako na matatawag lamang na Sakripisyo ang isang bagay kung ito ay ginawa mo para sa iba kahit na labag sa kalooban mo, kahit pa ito ay para sa taong hindi naman karapat dapat makatanggap nito. 

Madaling gawin o ibigay ang isang bagay kung ito ay para sa mga taong mahal mo ngunit iilan lang ang handang magsakripisyo para sa ibang tao (maging sino pa man ito).

Subalit wala ng hihigit pa sa Sakripisyo na ginawa ni JESUS upang iligtas ang sangkatauhan.



No comments:

Back to Top